Anak ng Janitor, Hukom na sa US
Ni Rhodeza Mae S. Junio
“KAYA nating abutin ang ating mga pangarap kung tayo ay magpupunyagi!”
Ito marahil ang naging pilosopiya sa buhay ng dating abogado, prosekyutor at ngayo’y Hukom sa Los Angeles Superior Court na si Rob Villeza, isang Filipino-American.
Nanumpa si Judge Villeza noong Disyembre 11 (petsa sa Amerika) kay Consuelo Marshall, senior
United States District Judge, Central District of California.
Dahil sa kanyang angking talino, katapatan at dedikasyong sa trabaho, si Rob ay hinirang ni California Governor Jerry Brown nitong nakaraang Nobyembre. Ika-walo si Villeza sa mga Fil-Am na naging
hukom sa California. Sa loob ng nakaraang 20 taon, siya ay naglingkod bilang Assistant United States Attorney sa Central District of California.
Simpleng Pinagmulan
Sa Amerika masyadong matindi ang kompetisyon sa trabaho kaya hindi naging madali kay Judge Rob na maabot ang kanyang mga pangarap.
Filipina ang ina ni Rob at ang kanyang ama ay naglingkod bilang janitor noong sila ay nakatira pa sa Hawaii. Sa edad na 6, na-diagnose ang kanyang ama na may cancer. At sa edad na 16, naging single parent ang kanyang ina nang mamatay ang kanyang ama. Kahit na mabigat ang responsibilidad na naiwan ng kanyang ama, patuloy na nagpunyagi ang kanyang ina para suportahan at palakihin siya at ang 9 pa niyang mga kapatid.
Pagkatapos ng klase sa high school, subsob sa trabaho si Rob bilang apprentice mechanic sa Silver Lake. Nais niyang maging isang full-time auto mechanic pagka-gradweyt sa high school.
“Hindi prioridad ang edukasyon sa aming pamilya, katulad ng iba pang pamilya sa aming lugar… hindi ko inisip na pumasok sa kolehiyo kapag nagtapos na ako ng high school,” saad ni Rob.
Sa 10 magkakapatid, siya lang ang naging abogado at ikalawa sa nakatapos ng kolehiyo.
Nagkaroon ng turning point ang kanyang buhay nang nag-aral si Rob ng kurso tungkol sa criminal justice sa Pasadena City College. Nais niyang maging isang pulis noon. Dahil dito, nagkaroon siya nang matinding interes sa pag-aaral ng batas na nagtulak sa kanya magsumikap na mag-aral nito. Nagtapos siya ng bachelor’s degree sa Cal State Los Angeles at ang Juris Doctor degree mula sa University of California, Los Angeles Law School. Siyempre, nakapasa ng Bar Exams kaya siya naging isang full-pledge lawyer.
Mahusay na Ehemplo para sa Fil-Ams
Dahil sa kanyang pagkakatalaga bilang hukom, pinapurihan ni Hildegarde Aguinaldo, president-elect ng Philippine-American Bar Association si Villeza. Noon pang 2008 nagkaroon ng huling paghirang ng hukom sa kanilang lugar.
Ayon kay Fred Slaughter, judge ng Orange County Superior Court, “Napakasaya ko sa pagkakatalaga kay Rob, talagang deserving siya… Pero mas masaya ako para sa mga mamamayan ng Los Angeles County sa pagkakaroon nila ng isang hukom na hindi matatawaran ang integridad at handang maglingkod katulad ni Judge Villeza.”
Puro papuri rin kay Villeza ang namutawi sa mga labi ng kanyang dating katrabaho at mga nakakikilala.
Bilang isang bagong talagang hukom, may responsibilidad daw si Rob na tiyakin na ang mga bagong Fil-Am Lawyer ay nabibigyan ng patuloy na suporta at nahihikayat na i-consider ang pagpasok sa US Attorney’s Office para lalong makapaglingkod hindi lamang sa komunidad kundi maging sa ating dumaraming mga kababayan doon.
Sa pagwawakas, sinabi ng 52-taong gulang na hukom na hindi lamang sa legal profession kailangan ang Fil-Ams kundi maging sa iba pang mahahalagang posisyon sa gobyerno.
15 December 2014
Note: Ang lahat ng quotes dito ay sinabi sa wikang Ingles at isinalin lang sa Tagalog.
Image: Google