Boxing na Walang Gloves
Ni Rhodeza Mae S. Junio
ALAM ba ninyo na noong 1700s, ang boxing ay walang rules, walang gloves, pwede ang wrestling at lalong pwedeng gulpihin ang kalaban kahit na bumagsak na ito?
Ang sinaunang boxing bilang sport ay naiulat na nagsimula sa Mediterranean magmula noong circa 1500 B.C. Ito ay na-introduce ng Greeks sa Olympic Games noong 7th century B.C. Ang boxing ay nagsimulang mawala sa pagtatapos ng Roman Empire.
Noong early 18th century bumalik muli ang sport sa England. Noong 1719, ang unang kampeon ay si James Figg (1695-1734), na humawak ng titulo sa loob ng 15 taon. Hindi noon gumagamit ng gloves hanggang sa bago matapos ang 19th century. Kinilala si Figg bilang kaunaunahang heavyweight champion sa buong mundo kahit na wala pang weight divisions sa boxing noon.
Bukos sa pagbu-boksing na walang gloves, eksperto si Figg sa wrestling, espada, cudgel o stick. May taas siyang 6 feet at tumitimbang ng 85 kilos (185 pounds). Pagkaretiro, nagbukas siya ng school of boxing sa London.
Samantala, ang England heavyweight champion na si Jack Broughton noong 1734-1750 ang unang nagpanukala ng rules sa boxing: ang isang round ay tatagal hanggang sa mapagsak ang kalaban, kung hindi siya makalaban sa 30 segundo, tapos na ang laban. Bawal ding saktan ang kalaban na bumagsak na o saktan siya below the belt.
Sa professional boxing, si John L. Sullivan ang unang champion noong 1882-1892.
Siya rin ay tinawag na “bare knuckle champion” dahil siya at ang katunggali ay hindi gumamit ng gloves dahil di pa uso noon.
Bago matapos ang 19th century, nagsimula nang gamitin ang boxing gloves sa lahat ng amateur at propesyonal na laban.
Scientific boxing
BUGBOG-SARADO ang mga natatalo sa boxing bago ang 19th century dahil hindi pa gumagamit ng boxing gloves noon.
Noong Sept. 7, 1892, unang ginamit sa U.S. ang boxing gloves. Ito’y sa heavyweight bout nina James J. Corbett na tumalo kay John L. Sullivan, ang huling bareknuckle boxing champion.
Samantala, noong 1780, kinilala si Daniel Mendoza (1764 – 1836), bareknuckle boxing champion, bilang unang scientific boxer. Siya ang nagpanukala sa kahalagahan ng footwork at ang nagagawa ng left jab. Ika-16 siya sa English heavyweight champions at unang Jewish champion.
Siya ang nagpa-uso ng mabibilis na jab sa halip na mabagal, ubod-lakas na suntok na karaniwan sa kanyang kapahunan. Kahit na 5 feet 7 inches lamang siya at 160 pounds, ang kanyang tapang, malalakas na braso, mahusay na kundisyon at scientific boxing skills ang nagpapanalo sa kanya.
Noong 1791, matapos mag-retire ang champion na si Benjamin Brain, kinilalang kampeon si Mendoza dahil sa kanyang mga panalo kay Richard Humphries na noo’y kinilala bilang pinakamahusay na heavyweight boxer sa England.