Lea Salonga:
Ang Orihinal na Kim
Ni Sol Cali
NAGKAROON ng reunion ang orihinal na cast ng Miss Saigon noong Setyembre 22, 2014 (petsa sa London) sa Prince Edward Theater sa West End.
Ito ay pinangunahan ng orihinal na 1989 cast na sina Lea Salonga (Kim), Jonathan Pryce (The Engineer) at Simon Bowman (Chris), sa isang performance na hindi malilimutan ng mga nakapanood at ikinaluha ng marami. Nagtanghal sina Lea kasama ang 2014 cast sa pangunguna nina Eva Noblezada (Kim), Alistair Brammer at Jon Jon Briones.
Ayon sa maraming nakapanood hindi raw nagbago ang boses ni Lea kahit 25 taon na ang lumipas. Matatandaan na 17 taon lang si Lea nang mag-audition sa Sir Cameron Mackintosh's production, at talunin ang 1,000 mga babae mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Magmula noong 1989, itinanghal ang Miss Saigon sa 300 siyudad sa 15 wika, at tumanggap ng iba’t ibang international awards.
Dahil sa kanyang mahusay na pagganap ni Lea bilang Kim, ginawaran siya ng Olivier Award “for Best Performance by an Actress in a Musical for the 1989-90 season. Sa Broadway, tumanggap din siya ng Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle, at ang Outer Critics Circle at ang Theatre World Awards sa pareho ring papel. Ito ay ilan lamang sa maraming local at international awards na kanyang tinanggap na kumilala sa kanyang mahirap-mapantayang husay sa pag-awit.
Ang Miss Saigon ang nagbukas ng daan para kay Lea para makilala ang kanyang talento sa pag-awit ng buong mundo. Siya lamang ang kaisaisang Filipino singer na kinuha ng isang international recording company para mag-record. Umabot sa mahigit 5,000,000 ang kanyang mga CD na naibenta.
Bukod sa Miss Saigon, gumanap din siya sa Les Miserables sa Broadway, at maging sa iba’t ibang musicals sa U.S. at U.K. Ginamit din ang kanyang magandang boses sa pag-awit nina Princess Jasmine sa Alladin (1992), Fa Mulan sa Mulan (1998) at Mulan II (2004).
Noong 2005, umawit si Lea sa Carnegie Hall, malamang ang kaunaunahan para sa isang Pinay singer, sinaliwan siya ng 26-piece ensemble. Nagkaroon dito ng standing ovation.
Noong Oktubre 2010, na-nominate si Lea bilang Goodwill Ambassador of the Food and Agriculture Organization ng the United Nations.
Sa loob ng mahigit 30 taon, patuloy pa rin si Lea sa pagpapakita ng galing ng Pilipino sa pag-awit, hindi lang sa West End, Broadway, kundi sa maraming lungsod at mga sentro ng kultura at musika sa buong mundo. Tiyak na hindi nagkamali ang milyun-milyong mga kamay na walang sawang pumalakpak sa bawat pagtatangghal ng music diva na ito. Nagpapatunay ito na isa siyang Smart Pinoy sa larangan ng pag-awit at dapat magsilbing ehemplo sa mga kabataan na nagnanais na umukit ng kanilang pangalan sa international music scene.