Endless Love!
Nobela ni Lino Cali Soriano
Ang nobelang ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig ng mga karakter dito pati na ang mga pangyayari, kontrobersiya, atbp. ay hindi sinasadya. Ang nasa larawan ay modelo lamang at walang anumang kinalaman sa istorya.
UNANG KABANATA
MABILIS na naglalakad sa Leonard Wood Road si Alice Cariño, isang 26-year-old na psychologist at social worker, papuntang Lower Session Road. Hindi niya alintana ang makapal na fog at sobrang lamig ng kapaligiran. Bukod sa ilang Caucasians at black Americans na nagjo-jogging, kakaunti lamang ang mga turista sa kalsada dahil sa sobrang lamig ng buwan ng Enero. Pumalo sa 10 degrees Celsius and temperatura sa umagang yaon, mula sa dating 14 degrees.
Hindi pa makasilay ang liwanag ng Haring Araw, dala ng makapal na lambong ng ulap at fog. Mahimbing pang natutulog ang mga bisita ng 1,500-meter-elevation na summer capital sa mga oras na ito, halos mag-a-alas siyete na ng umaga. Papunta si Alice sa Architect Daniel H. Burnham Medical Center sa Lower Harrison, di kalayuan sa Burnham Hotel. Makalipas ang mahigit kalahating oras, hinihingal siya habang papalapit sa medical center - ang tanging cancer specialty hospital sa buong Mountain Province. Kung walang fog, tanaw mula sa ospital ang ilang makapigil-hiningang tanawin gaya ng Burnham Park, ang makulay na lagoon sa gitna nito, orchidarium, pati na ang libu-libong tila nag-aanyayang mga bulaklak gaya ng tulip, rose, anturium at giant sunflower.
Patak-patak na pawis ang likod ni Alice, dahil sa paglalakad at sa kapal ng kanyang black leather jacket. Strike noon ang mga pampublikong sasakyan kaya napilitan siyang maglakad mula sa kanilang bahay sa Romulo Drive, di kalayuan sa Mansion House, isa sa mga paboritong puntahan ng mga turista. Suot niya ang imported black leather shoes with contrasting white bonnet. Maliban sa kanyang lip gloss, walang make-up ang magandang social worker.
Matapos mag time-in, pumasok si Alice sa Solemnidad Cali Cancer Ward sa ground floor ng apat na palapag na ospital. Bilang isang psychologist at social worker, ito ang kanyang routine tuwing Lunes hanggang Biyernes, at sa huling Sabado ng bawat buwan ay sumasama siya sa medical missions para bumisita sa iba pang may cancer, hindi lang sa Baguio kundi sa buong Cordillera. Ito na ang kanyang nakasanayan sa loob ng halos limang taon.
Una siyang lumapit kay Corazon Castrence, 31 taon, dalaga at isang Math teacher sa Pines City National High School. Mayroon siyang cervical cancer, stage I. Nakahiga ito sa hospital bed at medyo malalim ang iniisip.
“Good morning, Cora!” nakangiting bati ni Alice.
Matamlay na ngumiti si Cora, “‘Morning din!”
Lumapit si Alice kay Cora, may iaabot itong Tagalog pocket book sa dalaga.
“Tapos ko nang nabasa ang pocketbook na ‘yan Cora,” sabay abot ni Alice.
“Tungkol saan ang istorya Alice?”
“Suspense story… kaya kung ikukwento ko sa iyo, hindi na suspense.”
Ngumiti lamang ang dalaga.
“Nasaan ang Nanay Violeta mo?”
“Nagpunta sa istasyon ng Victory Liner, susunduin ang dalawa kong pinsan na galing sa Maynila… magbabakasyon sila sa amin. Mas type raw nila ang Baguio kung ganitong napakalamig.”
“Kung hindi sila sanay sa lamig, baka hindi rin mag-i-enjoy ang mga pinsan mo sa pamamasyal, maulan at makapal ang fog dito ngayon. Baka mamaluktot lang sila sa kama at matulog sa buong maghapon,” tugon ni Alice.
“Ano pa nga ba ang kanilang gagawin? Baka dadayo lang sila ng ‘tulog! Sira pa ang aming water heater ngayon kaya tiyak na sisigaw sila sa sobrang lamig sa paliligo, pagbuhos nila ng tubig mula sa dram ” saad ni Cora.
“Baka hindi na sila maligo, wisik-wisik na lang!” nakangiting tugon ni Alice.
Napangiti rin si Cora. Malamlam ang kanyang mata, medyo haggard ang mukha dala ng ilang buwang pakikibaka sa cancer.
Matapos ang ilang pang sandali ay nagpa-alam na si Alice at lumapit siya kay Ruella Villegas, 30 taon, may ovarian cancer. Nakatayo ito sa tabi ng kama at nakatingin sa bintana. Malayo ang kanyang tinanaw at tila may iniisip na malalim.
“Good morning Ruella!” bati ni Alice.
Hindi siya napansin ni Ruella, patuloy itong nakatingin sa bintana.
“Magandang umaga Ruella,” bati muli ni Alice.
Napalingon ito kay Alice, at “I-ikaw pala Alice,” muli itong tumingin sa labas ng bintana na para bang may hinanahap.
Lumapit si Alice sa may likod ni Ruella at masuyong hinawakan ito sa may kaliwang balikat. “Malalim na naman ang iniisip mo… Pwedeng mag-usap muna tayo?”
Naglakad ang dalawa patungo sa isang kwarto di kalayuan sa ward. Ito ang opisina at counseling room para sa mga nakikibaka kay Kamatayan. Masaya ang motif ng kwarto pati na ang kulay peach na walls nito. May ilang charcoal at still-life paintings ng mga magagandang tanawin sa Baguio na nakasabit sa paligid na karamihan ay nilikha ng mga dating pasyente, noong sila’y nabubuhay pa. Mayroon din itong mini-library ng mga aklat lalo na tungkol sa cancer pati na ang 2 units na Hewlett Packard Pentium i7 desktop computers na may wireless broadband connection; donasyon ito ng French Embassy.
Naupo ang dalawa sa isang peach-colored couch. Wala pa ring kibo si Ruella, naka-kunot noo ito.
Lumapit si Alice at, “Can I help you?” pabulong niya.
Hindi kumibo si Ruella. Mukha pa ring balisa ito. Halata sa kanyang mukha na halos wala itong tulog.
“Ruella, hindi ka ba naniniwala kay Dr. Tuazon, na mabubuhay ka? Stage two pa lang ang iyong ovarian cancer at malaki ang posibilidad na ikaw ay tuluyang gumaling… Lahat halos ng cancer, kapag na-detect kaagad… nagagamot.”
Bumuntong-hininga lamang si Ruella at bahagyang tumitig sa mga mata ni Alice.
“Ruella, para tayong isang pamilya rito, sana, kung ano man ang problema mo, sabihin mo sa akin. At bilang magkapamilya… walang iwanan!”
Namumula na ang mga mata ni Ruella, pilit niyang pinipigil ang mga luhang kanina pa gusto mag-unahang dumaloy sa kanyang maputla at hapis na pisngi.
“Hi-hindi naman tungkol doon ang problema ko Alice… tungkol kay Vincent, ‘yung asawa ko… hindi na siya umuuwi sa amin!”
Medyo nagulat si Alice at hindi nakakibo.
“Nagpunta rito ang aking ina at sinabi niyang inihabilin daw ni Bernard ang aming dalawang anak, sina Brenda at Mark. Ilang araw na’y hindi pa rin siya bumabalik mula sa Maynila.”
“Baka naman may inaasikaso roon?”
“May… may nagsabi sa akin… su…sumama na siya sa kanyang kabit… Kinumpirma ito ni nanay dahil wala na ang mga damit ni Vincent sa bahay, pati na ang kanyang personal na mga gamit,” saad ng lumuluhang Ruella.
“Ganyan talaga ang mga lalaki. Hindi nasisiyahan sa iisa. Pero babalik din iyon pag nagsawa.”
“Alam kong hindi naman ‘yan ang dahilan. Kaya niya ako iniwan ay dahil sa… dahil sa may ca-cancer ako!!!” dugtong ni Ruella.
“Alam mo namang hindi nakahahawa ang cancer.”
“Ayaw niya akong paniwalaan. Kahit na 31 na si Bernard, hindi pa rin siya matured. Ayaw niyang balikatin ang mabibigat na mga problema, na dala ng aking sakit… Mabuti na lang at patuloy kaming tinutulungan ng dalawa kong kapatid na nasa Nagoya at Osaka, kung hindi, baka namatay nang dilat sa gutom ang mga anak ko!”
Sandaling nag-isip si Alice. “Ruella, mabuti nga’t habang maaga’y nakilala mo ang tunay na kulay ng iyong walang kwentang asawa…Huwag mo na siyang isipin.”
“Alice!”
“Kahit kailan, hindi iniiyakan ang mga walang kwentang lalaki! Mas maswerte ka pa nga sa iba. Ikaw may Brenda at Mark na, yung ibang may problema sa ovary, hindi na magkaka-anak kahit kalian!”
Tila nabuhayan ng loob si Ruella. Tumigil na ang paghikbi nito.
“Ruella, i-focus mo ang iyong atensyon sa iyong 2 anak, two years old at four pa lang sila, ‘di ba? ‘Pag natapos ang iyong therapy, malaki ang chance na tuluyan ka nang gumaling, at masusubaybayan mo ang paglaki nila.”
Mahigpit na napayakap si Ruella sa social worker, habang unti-unting naiibsan ang pait at hapdi na nadarama.
KABANATA 2
PASADO alas-otso na nang naka-uwi si Alice. Hindi kalakihan ang kanilang two-bedroon bungalow sa Romulo Drive sa kanto ng Baltazar St. Typical ito sa mga lumang bahay sa Baguio – 70 square meters, may maliit na fireplace, tisa ang walls, American accent ang mga bintana, cement shingles ang bubong, may dirty white na picket fence sa harap at napaliligiran ng maraming mga bulaklak, bukod pa sa ilang matatayog na pine trees sa di-kalayuan. Minana pa ito ni Alice sa kanyang mga magulang. Kahit itinayo pa noong late seventies ay ilang ulit na itong sumailalim sa renovation kaya mukha pa ring attractive at bago.
Sa sala ay mayroong naka-frame na 20 x 30-inch blow-up picture ni Alice kasama ang asawang si David at anak na si Sahisha. Sa kaliwang bahagi ng sala ay mayroon ding ilang still-life at abstract oil paintings na ipininta at ibinigay ng ilang cancer patients sa kanya. Simple lang ang kanilang bahay, maliban sa isang MacBook Pro MB467ZP laptop computer, isang Magic Sing karaoke system, 32-inch Samsung LED TV, walang iba pang mamahaling appliances at electronic equipment na pangkaraniwang nakikita sa tahanan ng isang OFW. Kapansinpansin na hindi na magkasya ang mga libro at magazines - lalo na tungkol sa cancer - sa maliit na library.
Matapos makapasok sa sala ay hinubad ni Alice ang kanyang boots, tumuloy sa kwarto at saka hinubad ang kanyang leather jacket. Nagtungo siya sa katabing kwarto at pinagmasdan ang natutulog na six-year old na anak. Sa katabing kama ay natutulog na rin ang kanyang 17-year-old na pamangkin na si Cloe, na siyang yaya ng bata.
Matapos kumain ng hapunan ay binuksan niya ang kanyang Marantz component stereo at nakinig sa musika. Binuklat niya ang Health & Wellness Magazine na nasa center table at nagsimulang basahin ang isang artikulo tunkol sa cancer na isinulat ng isang babaing cancer survivor.
“Mabuti pa sa America, maraming mga magazine na nagtuturo tungkol sa cancer. Pero kahit na palabasa ang mga Amerikano, mataas pa rin ang insidente ng breast at ovarian cancers sa kanila. Masama talaga ang sobrang pagkain ng processed meat at kakulangan sa gulay, kaya patuloy na tumataas ang insidente ng cancer sa mga mauunlad na bansa,” naisip ni Alice.
Tumayo si Alice at nagbukas ng ref, kumuha siya ng iced tea at ipinatong sa center table. Uminom siya nang bahagya. Ilang sandali lang ay tumunog ang telepono. Tumayo siya at sinagot ito.
“Hello!”
“Hello, Alice?”
“Si Alice ‘to, ikaw?”
“Si Sonia.”
“Sonia?”
“Sonia Tumaru, ‘yung dati n’yong pasyente sa Burnharm Medical Center, ‘yung may colo-rectal cancer noon.”
“Ah, Sonia. Pasensya ka na at hindi na kita naalala kaagad. Mahigit five years na kasi iyon eh. Papaano mo nakuha ang number ko?”
“Dumaan ako kanina sa ospital, kinausap ko ang nurse na si Shiela. Ayaw pa nga niyang ibigay ang number mo, pero nang sinabi kong dati mo akong pasyente , isinulat niya kaagad.”
“Yes…Can I be of help?”
“Wala akong problema. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo dahil sa lahat ng mga nagpapalakas-loob na ginawa mo noong naka-confine pa ako sa ospital. After more than five years, sa huling routine check-up ko ang sabi ng doktor, 100 percent na magaling na ako. I am a cancer survivor!!!”
“Congratulations! You’re a fighter young lady.”
“Ayon sa doktor ko, malaki ang naitulong ng emotional support na ginawa mo pati na rin ang todo-suporta ng aking mga magulang at kapatid sa aking maagang recovery at paggaling… Alice, sana bigyan ka pa ng Diyos ng mas mabahang buhay!”
“Thank you…Sinabi naman sa iyo noon ni Dr. Tuazon na gagaling ka. Nagsisimula pa lamang ang iyong colon cancer at dahil na-detect kaagad ito nang maaga gamit ang Pulsitron Emission Tomography, kaya nagamot ito… Kung umabot pa ng mahigit two years bago ka nagpa-check up at na-detect, baka Stage III o IV na. ‘Yung kawalan ng kaalaman sa cancer ang lalong nagpapalala sa sakit ng mga pasyente.”
“Bilib pa rin ako sa iyo Alice, matulungin na, matalino pa!”
“Hindi naman Sonia, trabaho lang… at mahilig lang akong magbasa.”
“May iniwan mga pala akong regalo para sa iyo, nasa ospital. Galing pa ‘yon sa Amsterdam, padala ng pinsan ko… Kunin mo na lang kay Shiela pagpasok mo sa Miyerkules. Thank you ulit!”
“Salamat din. Pero sana hindi ka na nag-abala, nakakahiya naman sa iyo. Trabaho lang ang ginagawa ko.”
“Basta napakalaki ng utang na loob ko sa iyo… TY ulit Alice.”
Pagbaba ng telepono ay naging masaya ang mukha ni Alice. Alam niyang kahit kaunti, nakatulong siyang talunin ni Sonia si Kamatayan.
Mag-a-alas-diyes na ng gabi nang dalawin ng antok si Alice. Matapos patayin ang stereo at mga ilaw ay binuksan niya ang pinto ng kabilang kwarto, sinindihan ang ilaw. Matapos mag-shower ay nagsuot na siya ng makapal na pajama, at nahiga na sa kama. Binuklat niya ang isang bagong aklat sa cancer na isinulat ni Dr. Ang Peng Tiam, isang Singaporean oncologist.
KABANATA 3
MIYERKULES sa Burnharm Medical Center, sa opisina ni Dr. Miguel Tuazon, abala siya sa pakikipag-usap sa isang 36 years old na dalagang pasyente.
“Good morning Miss Mercado… please sit down.”
Walang kibong naupo ang dalaga at nakinig sa sasabihin ni Dr. Tuazon.
“Miss Mercado, hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Alam mo, mas malaki ang chance sa mga dalagang katulad mo na magkaroon ng breast o cervical cancer kaysa sa mga babaing nakapanganak na.”
“Ho???”
“Nakatutulong ang panganganak sa paglilinis ng reproductive organs ng mga babae… Mabuti naman at humingi ka sa amin ng second medical opinion.”
“May nakapagsabi po sa akin na dapat talaga ang second opinion, Dok.”
“Miss Mercado, ayon sa resulta ng iyong MRI na ginawa sa isang clinic sa Dagupan ay wala kang breast cancer. Pero, iba ang sinasabi ng simtomas na nararamdaman mo – palaging may rash at nangangati ang iyong nipples at kung minsan ay may kaunting di-pangkaraniwang discharge na lumalabas dito,” paliwanag ni Dr. Tuazon.
“Ganoon nga po Dok. Mali po ba ang MRI ko?”
“Miss Mercado, hindi kami pwedeng magsabing mali iyan. Unethical ito sa aming mga doktor. Ang maipapayo ko lang ay magpa-biopsy ka para masiguro kung cancer nga yang nasa dibdib mo, baka benign tumor lang.”
“Takot po ako dyan Dok, mayroon pa po bang ibang paraan?”
“Meron, yung Pulsitron Emission Tomography o PET, kaya nitong makadi-detect kung aling organs at tissues ang may diperensya. Maski kasing-liit ng ulo ng karayom, kayang ma-detect nito… Pero may kamahalan ito iha.”
“Mayroon naman po akong Shield Guard Health Card.”
“Kung mayroon ka nito, kaunti na lang ang idadagdag mo. Kailan mo gustong mag-schedule ng PET scan Miss Mercado?”
“Sa Martes po next week.”
“Ok. Isusulat ko ang mga bawal at hindi bawal bago ka magpa-scan. Sundin mo ito para hindi masayang ang gagastusin mo.”
“Salamat po Dr. Tuazon.”
Paglabas ni Miss Mercado ay pumasok si Alice.
“Good morning Dok.”
“Good morning din Alice. Anong atin?”
“Kukunin ka sana naming resource person sa isang seminar sa breast cancer bago magkatapusan ng buwan, sa Prince Plaza gaganapin. Sponsored ito ng Rotary.”
“Anong exact date?”
“January 29, Dok.”
Tiningnan ng doktor ang kanyang organizer. “Hmm, mayroon akong schedule ng operation, radical mastectomy, sa 29. Pero depende pa ito kung maihahanda ng pamilya ng pasyente ang gagastusin. Malalaman ko ito one week before that. I’ll tell you then. Please remind me one week before Alice, alam mo naman ang nagkaka-edad minsan nakakalimot.”
“Thanks Dok.” Marahang isinara ni Alice ang pinto paglabas niya. May nadaanan siyang ilang pasyenteng naghihintay sa labas. Dumiretso siya sa isang private room na nasa left wing ng building.
“Good morning Oliver!”
Hindi siya pansin ng ten-year-old-na-bata, patuloy itong nagdu-drawing.
Lumapit si Alice sa bata.
“Wow, ang ganda ng characoal sketch mo! Saan iyan?”
Medyo natagalan bago nakasagot ang bata, “Sa Crystal Cave po.”
“Siyanga pala salamat sa regalo mo sa akin, ‘yung portrait na gawa mo sa water color, nang inilagay ko sa 10 x 12 frame, lalong gumanda. Bilib talaga ako sa talent mo.”
“Hilig ko lang pong talaga mag-drawing. Alam nyo naman pong isang mahusay na painter ang aking Daddy,” nakangiting sagot ng bata.
“Obvious nga.”
“Itinutuloy ko lang po ang kanyang mga naputol na pangarap, Ate Alice.”
Obvious sa mukha ng bata na medyo may kaunting sakit ng loob siyang nadarama tuwing maaalala ang namayapang ama. Tumitig ang bata sa mga mata ni Alice.
“Eight months pa lang po ako nang siya ay namatay sa heart attack!”
“I’m very sorry to hear that, Oliver.”
Ilang sandali pa ay dumating si Marissa Aragon, ang 36-year-old na ina ni Oliver. May dala itong fresh petunias at red American roses. Pinalitan niya ang mga bulaklak na nasa vase sa side table.
“Ikaw pala Alice. Kumusta?” nakangiting tanong ni Marissa.
“Okey naman. May ibibigay ako kay Oliver,” habang marahang kinukuha ang isang aklat sa kanyang bag. Iniabot niya ito kay Marissa.
“Ikaw na ang magbigay, Alice.”
Lumapit si Alice sa bata at… “Para sa ‘yo, Oliver.”
Pagkaabot ng aklat ay binasa ang pamagat nito, binuklat ang ilang pahina. “Wow! Mga drawing ng Italian master na si Michaelangelo… Bounarotti pala ang last name niya. Thank you po.”
“Mahal siguro ‘yan,” bulong ni Marissa, “nakakahiya naman sa ‘yo.”
“Hindi. Bigay lang sa akin iyan ng isang kaibigan, isang Italian missionary, si Rev. Umberto Crivellaro na asawa ng isang cancer survivor.”
“Bilib talaga ako sa anak mo, Marissa. Kung hindi mo ako isinama sa bahay mo at ipinakita ang mga oil painting at charcoal portrait na ginawa ni Ibarra noong nabubuhay pa siya, hindi ako maniniwala na iisa ang style at artistic expression ng anak ninyo. Papaano ba nangyari ‘yon eh hindi naman siya naturuan?”
“Ewan ko, siguro sa tulong ni Jehovah. Minsan, hindi natin kayang arukin ang karunungan ng Maylikha.”
Habang nag-uusap ang dalawa ay abala si Oliver sa pagtunghay sa mga pahina ng aklat.
“Bakit ka nagpunta sa Naguilian?”
“Halika sa labas.” Binuksan niya ang pinto at sila ay marahang naglakad palabas. Sumunod si Alice. Tumuloy ang dalawa sa hardin sa may gilid ng ospital; naglalakad sila nang mabagal habang patuloy na nag-usap.
“Nag-trip kami ng Japanese buyer ko, mga taga Sarufutsu.”
“Sarufutsu?”
“Nasa northwest part ng Japan ‘yon, wala pang 100 kilometers ang layo sa Sakhalin Island, Russia… Pag nagkabilihan, niyayaya nga ako ni Evelyn, ‘yung misis ng isang Hapon na magbakasyon sa kanila.”
“Anong sagot mo?”
“Sabi ko thank you na lang, hindi ako pwede… alam mo naman si Oliver ko.”
“Ang akala ko ayaw mong ibenta ang farm ninyo sa Naguilian?”
“Dati… pero ngayon praktikal na ako. Malaking halaga rin ito pag nabenta, siguro aabutin ng P3.5 million.”
“Ganoon na ba kamahal ang lupa sa may inyo?”
“Oo, dati-rati’y halos P300,000 lang ang market value nito. Nang nasulputan ang mga hotel at inn sa paligid, biglang lumobo ang presyo.”
“Mabuti naman at mabebenta na. Malaki-laking gastusin kasi ang haharapin mo, Marissa.”
“Minsan, nanghihinayang ako, kasi may sentimental value ‘yung lugar. Sa maliit na bahay doon sa farm ako ipinanganak at nagka-isip…More than thirty years ago, parang kahapon lang, naaalala ko pa ang mga nasasayang sandali na kinalakihan ko, sa piling ng aking mapagmahal na mga magulang” nakangiting salaysay ni Marissa.
Patuloy silang naglakad sa hardin habang nag-uusap.
“Alice, libre naman mangarap, di ba?”
“Oo naman.”
“Minsan, naiisip ko… kung pwede sanang habang panahon na naging masaya ang aking buhay – bilang isang bata… hindi ako nagka-asawa, hindi nagka-pamilya at hindi ko sana naisalin kay Oliver ang pagiging prone sa leukemia! Nasa lahi namin ito. Ako lang ang wala nito sa aming 3 magkakapatid. Namatay sa leukemia si Mama. Hindi nga ako nagkaroon nito, pero si Oliver naman ang…” nahahagulgol si Marissa.
“Marissa!”
“Alice, wala ng pinakamahalaga sa akin sa mundo kundi ang buhay ng aking kaisaisang anak…! Mahal na mahal ko siya… at…at maski ang buhay ko, kung pwede lang ipalit, buong-puso kong ipagkakaloob sa kanya anumang oras… mabuhay lamang si Oliver… Oliver, anak, huwag na huwag mo akong iiwan!!!”
“Diyos ko!” anas nang lumuluha na ring si Alice.
Napayakap si Marissa kay Alice, kapwa dumadaloy ang masaganang luha sa kanilang mga mata.
“Alice, paulit-ulit nga akong nagtatanong, bakit si Oliver pa? Bakit??? Napakabata pa niya…sana ako na lang ang nagka-kanser… sana ako na lang ang patuloy na naghihirap at naka-confine rito… sana, ako na lamang ang nakatakdang mamatay! Ako!!!”
“Marissa, huwag kang mawalan ng pag-asa, may awa ang Diyos… gagaling si Oliver... Mabubuhay siya!”
Hinawakan ni Alice si Marissa sa kanang balikat at, “Marissa, nasa Stage II pa lamang ang kanyang Acute Myeloid Leukemia ni Oliver, malaki pa ang pag-asa niyang gumaling.”
Natigilan si Marissa at napatitig kay Alice.
“Huwag mong kalilimutang tumawag sa Diyos, araw-araw, para bigyan ka Niya ng sapat na lakas para madaig ang depresyon at hilingin mo rin sa Kanya na pagalingin Oliver.”
*****
Pagdating sa opisina ay inayos ni Alice ang records ng ilang pasyente. Hindi nagtagal, tumunog ang kanyang cellphone.
Tiningnan muna ni Alice ang number nang tumatawag at… “Sweetheart!”
“I just called to say I Love You Alice!” saad ni David.
“I Love You too, David!”
Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay ibinaba ni Alice ang cellphone. Napapangiti ito. Pero mayroon nga bang unos na pilit na papapaglayuin ang mag-asawa?
ITUTULOY