Diabetes: Sanhi nang Panlalambot ni Manoy?
Ni Clemente Celso III
“GUSTO akong hiwalayan ng aking misis dahil madalas niya akong kalabitin sa gabi pero hindi ako nagri-response! Ayaw kasi tumindig ni Manoy. Nang isiwalat ko sa kanya na mayroon akong temporary impotence, inaway niya ako nang husto dahil baka meron daw akong STD na nakuha ko kung kani-kaninong babae habang nasa abroad siya, kaya ayaw tumindig,” pagtatapat ni Gary (di tunay na pangalan) isang batikang photographer.
“Naghiwalay kami ng aking misis kahit wala pa kaming isang taong kasal. Nakahihiyang aminin pero ito’y dahil hirap na hirap akong magkaroon ng full erection!
Kahit noong kami’y bagong kasal, halos minsan lang isang buwan kung kami’y magtalik. Ayaw kasing tumayo ni Manoy. Huli na nang nalaman kong ito pala’y dahil sa aking diabetes,” pagtatapat ng isang 28-taong car salesman.
Sa buong mundo milyun-milyong mga tao ang pinahihirapan ng diabetes. Mahigit 10 milyong Amerikano ang meron nito. Ito’y isa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa U.S., samantalang sa Pilipinas, isa ito sa pangunahing sakit na nakamamatay.
Ano ang diabetes? Totoo bang apektado ang pagkalalaki ng mga maysakit nito?
Ayon sa journals ng American Medical Association, ang sugar diabetes at diabetes mellitus ay isang kundisyon na kung saan ang katawan ay hindi makagamit ng carbohydrates (sugars and starches) gayun din ang protina at fat sa normal na paraan sapagkat nagkukulang sa rami o pagkilos ang hormone na insulin.
Kung normal, prinoproseso ng katawan ang food carbohydrates para maging sugar o glucose. Pagkatapos nito, maaaring ito’y agad ‘sunugin’ para mag-supply ng init o enerhiya. O kaya’y itatago ang glucose sa iba’t ibang anyo gaya ng glycogen, para magamit kung kailangan.
Pero sa hindi makontrol na diabetes, naiipon ang glucose sa dugo, na lumilikha ng kundisyon na hyperglycemia. Inilalabas ng kidney o bato ang asukal mula sa katawan sa anyong urine o ihi.
Sintomas
Ano ba ang sintomas ng diabetes?
Ang paulit-ulit na pag-ihi at hindi pangkaraniwang pagkauhaw at pag-inom ng likido; pagkabawas ng timbang at madaling pagkapagod, panghihina, pagka-inis o pagiging bugnutin, o pagsusuka; at ang hindi makontrol na pagnanais na kumain lalo na ng chocolate, candy, cake at iba pang matatamis.
Ang iba pang sintomas ng diabetes na karaniwan sa may gulang na ay, madalas na impeksyon sa balat, foreskin, gums, o urinary system; hindi pangkaraniwang panlalabo ng paningin; pananakit o cramps sa binti, paa o mga daliri; mabagal na paggaling ng mga sugat at galos; labis labis na pangangati ng ari ng babae; pagkahilo. Kapag nilalanggam ang ihi, isa rin itong sintomas.
Biglaang lumalabas ang mga sintomas na ito at kahit na isa lamang sa mga ito’y maaaring mangahulugan ng diabetes, kaya magpatingin kaagad sa doktor. Kung hindi kayo kontento sa resulta ng eksaminasyon, maaari kayong humingi ng ikalawa o ikatlong opinion mula sa ibang doctor na eksperto sa sakit na ito.
Ang sanhi ng Diabetes
Hindi masabi ng mga eksperto ang ugat ng karamihan sa mg kaso ng diabetes. Ang sakit ay kadalasang namamana sa mga ninuno. Malaki ang ebidensya na mga virus ang pinagmumulan ng diabetes sa mga taong susceptible dito.
Ang ilang kaso ng diabetes ay mati-trace sa sakit na pancreatitis o pamamaga ng pancreas. Nagkakaroon ng diabetes kung aalisin ang pancreas o kaya’y dahil sa virus na sumisira ng islet cells sa pancreas, na kung saan ginagawa ang insulin.
Ang pagtaas ng antas nang paggamit ng insulin ng katawan o kaya’y pagkasira ng insulin ang isa sa dahilan ng diabetes. Ang sakit sa atay ay isa ring sanhi nito; ang paggamit ng drugs gaya ng steroids, pituitary and adrenal hormones ang pumipigil sa episyenteng pagtatrabaho ng insulin. Ang hormone na glucagon, ay pwede ring magtulak sa atay – ang taguan ng sugar - na maglabas ng mas maraming sugar sa dugo kaysa normal na antas na kaya ng insulin.
Manoy: Ayaw Tumayo
Bakit nga ba hindi tinatayuan ang mga lalaking may malubhang diabetes?
Ito’y dahil sa nakaaapekto ito sa nerves o blood supply sa penis. Ang kahirapan sa pagtigas ng ari ng lalaki bago magtalik, kung madalas, ay isa sa mga senyales ng diabetes. Dahil ang interference sa nerves ay partial lamang, sa ilang kaso, maaaring magkaroon ng partial erection.
Ayon sa Pfizer, hindi pwedeng gumamit o uminom ng Viagra ang mga lalaking diabetic, maysakit sa puso, etc. Maaaring manganib ang kanilang buhay kung pipilitin nila. Higit na mabuti ang kumunsulta sa isang urulogist para malutas ang problema sa impotency.
Kumplikasyon
Ang mga taong diabetic ay madaling kapitan ng ibang sakit gaya ng sa puso at sakit sa blood vessels. Ang coronary disease ay tatlong ulit na possible kaysa mga karaniwang tao na walang diabetes. Pwede rin siyang magkaroon ng malubhang arteriosclerosis ng mga binti, lalo na kung mahigit nang 10 taon ang diabetes.
Ang gangrena sa mga binti ay magri-resulta sa pagkasira ng blood vessels o impeksyon. Hindi gumagaling ang mga malalaki o malalalim na sugat. Sa ilang kaso, pinuputol ang parte ng binti o paa na hindi gumagaling ang sugat para huwag kumalat ang impeksyon.
Pagkalabo ng mata, pagdurugo ng mata, sakit sa bato na maaaring lumala at mangailangan ng dialysis o kidney transplant, pwede ring magkaroon ng nerve disorder at iba pang sakit.
2 Uri ng Diabetes
Dalawa ang pangunahing uri ng diabetes: ang Type 1 (juvenile-onset, insulin-dependent, ketosis-prone). Ito’y nangyayari kung ang pancreas ay wala o kakaunti lamang ang naipu-prodyus na insulin. Ito ang pinakagrabe at pinakamahirap kontrolin na uri. Ang sakit na ito’y nagsisimula mula pagkasanggol hanggang edad 40. Pero may mga kasong higit 40 na’y nagkakasakit pa ng Type 1 diabetes. Kailangang iniksyunan ng insulin at least minsan isang araw ang may Type 1 na kaso.
Ang Type 2 (maturity-onset, non-insulin dependent, ketosis-resistant) ay nagriresulta mula sa kakulangan ng produksyon ng insulan ng pancreas, at mula sa iba pang dipirensya sa metabolism ng glucose sa dugo. Ito’y kadalasang nagsisimula sa mga may edad na, mild pa lamang hanggang sa unti-unting lumala. Pwedeng kontrolin ang Type 2 ng diet, sa pagbabawas ng timbang, at regular na exercise. Ilang mga tao na mayroon nito ay nangangailangan ng insulin at gamot na iniinom.
Dalawa pa ang uri ng diabetes pero ito’y temporary: Ang stress diabetes, pagkatapos ng operasyon, trauma, atake sa puso, pagkasunog atbp. Ang gestational diabetes ay nangyayari sa isang buntis at nawawala na pagkapanganak. Mahalaga sa isang buntis lalo na roon sa overweight, ang pamilya’y may history ng diabetes, o nakunan na, o kaya’y nanganak ng premature o sobra ang laki ng sanggol ang magpa-check-up sa doktor sa pagitan ng ika-24 at ika-28 na linggo ng pagbubuntis.
Ang Panganib ng Diabetis sa Buntis
Napakahirap at lubhang mapanganib sa buhay ng isang buntis ang diabetes. Ang mga pagbabago sa hormone at pangangailangan ng fetus ay maaaring labis na magtataas o magpapababa sa level ng blood sugar. Palalalain nito ang dati ng sakit sa mata o kidney. Mas malaki ang tsansa niya na mag-retain ng maraming bolyum ng tubig sa katawan, magkaroon ng high blood, makunan, at magkaroon ng preeclampsia.
Higit na malaki kaysa normal ang kanilang mga sanggol. Maaaring magkaroon ng depekto ang baby: wala sa normal na porma ng lower limbs, problema sa puso o nerves, bingot at iba pang sakit. Ito’y lalo nang totoo kung hindi naalagaan ng doktor ang unang dalawang buwan ng pagbubuntis.Mas malaki ang tsansa na maging maayos ang panganganak kung ang sanggol ay ipapanganak ng caesarean dalawa hanggang tatlong linggo bago ang due date.
The best na kumuha ng obstetrician na sanay magpa-anak ng diabetics. Mas madalas ang pagbisita sa doktor para ma-monitor ang blood sugar bawat linggo, mabantayan ang diet, at patuloy na pag-adjust sa paggamit ng insulin kung kailangan.
Impeksyon sa Paa ng Diabetic
Madaling magka-impeksyon sa paa ang diabetics. Ang pagkasira ng nerves ay nagbubunga ng blister o iba pang injury at ito’y hindi agad napapansin, pababagalin ang sirkulasyon sa ugat na magpu-promote ng pagdami ng germs sa paa.
Maligo araw-araw at maghugas palagi ng mga paa at binti gamit ang mild soap. Dampian ng tuyong tuwalya at huwag pupunasan. Matapos maghugas, inspeksyunin ang paa sa pamumula, galos, sores, o sugat.
Ang hindi nagamot na impeksyon sa toes na hindi gumagaling sa 10 araw ay pwedeng magbunga sa bone or joint infection. Ang paggaling ng walang operasyon ay imposible!
Sa ilang kaso ng grabeng impeksyon, pinuputol ang paa o binti para huwag itong kumalat. Kailangan ang regular na testing ng blood sugar o blood-glucose monitoring para mapangalagaan ang diabetic.
Mahalaga ang Diet
Kahit na walang insulin, ang tamang diet at regular na exercise ay makukontrol ang 30 – 40 percent sa mga kaso, lalo na sa overweight na mga tao, may mild diabetes na agad na-detect. Dahil sa malaking relasyon ng Type 2 diabetes at sobrang katakawan, kailangang ma-regulate ang pagkain. Ang mga nagi-insulin ay dapat na kumain moderately tatlong beses isang araw at mag-snack 2-3 beses isang araw. Bawal na bawal ang matatamis na pagkain at inumin at sobrang carbohydrates. Dapat na magkaroon kayo ng talaan ng basic food groups sa bahay para magsilbing guide o giya.
Para sa mga magbibiyahe, kailangang magdala kayo ng blood sugar testing kit at sapat na rami ng insulin o iba pang gamot na inireseta ng doktor lalo na kung pupunta kayo sa probinsiya.
Mga Batang may Diabetes
Kailangang ng mga batang diabetic ang buong suporta ng pamilya. Kadalasan sila ay may Type 1 o mas malalang diabetes kaya kailangang ang regular na monitoring at insulin. Disiplinahin siya at ipaalam na buhay niya ang nakataya kaya dapat huwag kumain ng mga ipinagbabawal na pagkain at inumin para hindi lumala ang kanyang sakit.
Magastos ang proseso nang paggagamot sa diabetics. Para roon sa kulang o walang badyet, maraming NGOs o organisasyon ang handang tumulong.
Diabetics: May pag-asa pa ba?
Wala pang lunas ang diabetes. Pero kasabay ang disiplina, tamang panggagamot, pwede itong kontrolin. Maikli lamang ang buhay. Dapat kayong mag-enjoy may diabetes man o wala.
Sa mga may-asawa, hindi lang sex ang pangunahing dahilan ng pagsasama. Ito’y nakasentro sa pag-ibig, pagkakaroon ng masaya at produktibong pamilya, at higit sa lahat, sa pagpapalaki sa mga anak na may takot sa Diyos, may matinding pagmamahal sa mga magulang at pamilya, at matulungin sa kapwa-tao.
Diabetes? Kapag kayo’y may disiplina, kaya n’yo itong labanan.
Reperensya: Medlineplus.com