George Castro: Ulirang Anak, Ulirang DJ
Ni Lucino Soriano
Editor’s Note: Ito ay ikatlo sa serye ng mga mapanglikhang artikulo na sinulat ni G. Soriano sa People’s INSIDER Magazine magmula noong 2001-2004. Ang simula ng artikulo tungkol kay DJ George Castro ay inspired nang sumikat na PLDT TV commercial – na naging bukambibig sa maraming tahanan at paaralan - at ipinalabas sa mga pangunahing TV networks noong 2001. Inilabas ito sa website na Smart Pinoys Atbp. pangunahin para turuan ang campus journalists ng kakaibang istilo ng pagsulat.
“Dad, gusto ko pong maging announcer.”
“Bakit???”
“Sa-sana po, maunawaan n’yo ako.”
“Kung saan ka masaya, suportahan ta ka!”
GANITO marahil ang naging usapan ng mag-amang Eduardo at George Castro more than 10 years ago, nang humingi ng pahintulot ang huli na maging disc jockey at magsimula ng isang pangmatagalang career sa masaya, masalimuot at maintrigang mundo ng broadcasting.
Hindi sana nakapagtataka ang kahilingan ng anak sa kanyang tatay kung hindi ito nag-aral ng Bachelor of Science in Commerce, Major in Accounting sa St. Louis University sa Baguio City.
Katulad ng maraming taga-Baguio, pangarap ng mag-asawang Eduardo at Dionisia na magkaroon ng magandang buhay si George. Gusto nilang maging successful accountant ang anak at makatulong sa kaunting negosyo ng pamilya. Hindi nila siguro akalain na higit pa ang mararating ni George dahil sa angking talino, kasipagan at walang sawang dedikasyon sa trabaho.
Research and development director na si George – o Darkman – ng 42 AM at FM stations ng Bombo Radyo. Siya rin ang nasa likod ng top-of-the-hour station IDs ng Star FM, bilang conceptualizer at voice-over talent.
Singer Muna
NASA puso talaga ni George ang pag-awit kahit noong bata pa siya. Sa kolehiyo, naging aktibo siya sa pagsali sa mga singing contest gaya ng Superwheel Search for Singing Stars 1991.
Sa regional finals, naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari - dito ‘aksidenteng’ nadiskubre ang talent ni George bilang isang announcer. Pagkatapos ng contest, hinimok siya ng station manager ng DZWR-FM, isang Catholic station sa Baguio, na maging DJ dahil ‘may boses’ naman daw si George.
Pero hindi naging bed of roses ang pagkakapasok niya. Dumaan si George sa limang buwang rigid training, at kailangang maipasa niya ang final test bago siya maging regular. Siyempre, naipasa niya ito with flying colors.
Makalipas ang ilang buwan, napansin si George ng mga taga DWIM ang FM station ng Bombo Radyo sa Lungsod ng Pino, at siya’y kinuha. Dito nagsimula ang napakalaking pagbabago sa buhay ni Darkman.
“Sa first year ng Star FM, we beat all radio stations (in Baguio). Ours was a pop station. We included gimmicks, we inserted campus calendar and trivia. The music we played was different from what the two other FM stations played,” pahayag ni George.
Bagong Assignment
NOONG 1993, na-promote si George na area manager, kasabay nang paglipat sa kanya sa 102.7 WSM sa Maynila.
Nasa Philcomcen Building sa Ortigas Avenue ang kanilang studio noon. Marami siguro ang nagtaka kung bakit ang isang DJ sa isang provincial station ang napili sa ganitong mataas na posisyon.
“I did not have the faintest idea that I’ll be working in Manila someday. I reached that position; probably it’s more for my genuine love for the job. I was just trying to improve what I was doing during that time - managing the station, anchoring from 6 to 9 in the morning,” sabi ni Darkman.
Ngayon, isa na siyang top executive ng network. Bahagi ng kanyang trabaho ang ‘pagbebenta ng network’ sa advertisers at listeners. Bukod sa pagiging area manager ng kanilang FM station sa Baguio, Dagupan at Naga, siya ang gumagawa ng promotions at gimmicks para sa buong network. Dahil sa kanyang innovativess at foresight, napanatili ng Star FM ang pagiging pangunahing FM radio network nitong nakaraang pitong taon.
Performance Counts
FLUENCY sa English at Pilipino. Ito ang No. 1 criterion ng Star FM sa mga gustong pumasok sa kanila na DJ. Kasunod nito ang right attitude towards work.
“The different thing there is you would be dealing with so many kinds of people (when answering phone calls while on board). At times, your level of patience and tolerance would be tested. Dapat mahaba ang patience ng DJ. Sometimes, may callers na makulit. You can’t please everybody,” dugtong ni George.
Kaya ang payo ni George sa mga gustong maging DJ: “ It’s not the school, it’s not where you came from. Your success will depend on your work, on yourself, (through) hard work, perseverance and attitude towards work.
Marami ang nalulungkot dahil hindi na nila masyadong napakikinggan si George –more on supervision na siya. Pero aktibo pa rin siya sa voicing ng kanilang radio plugs at kung may DJ na absent, siya ang nagpi-pinch-hit.
Sa ating mga kabataan na gustong maging successful sa buhay, kahit na hindi sa broadcasting field, isang mabuting huwaran si George B. Castro o Darkman. Isang anak na kahit na sinong ama ay tiyak na ipagmamalaki at ikararangal.
“Kung saan ka masaya, susuportahan ta ka!” Ito rin kaya ang isasagot ni George sa kanyang anak paglaki, kung sakaling gusto nitong maging iba ng trabaho?
Dapat lang.