Seniors: Gawing Mas Bata ang Inyong Utak
Ni Sol Cariño Cali
Article Series for Seniors
Ikalawang Labas
PARA tulungan ang bagong Senior Citizens at mga taong 40 anyos pataas, maglalabas ang www.smartpinoysatbp.com ng serye ng mga artikulo na naglalayong sila’y makaiwas sa mga sakit na kaakibat ng katandaan, gamit ang tamang diet at disiplina. Ang mga isda na sakop ng mga pag-aaral dito ay sariwa at hindi de-lata.
OMEGA-3: PANTABOY SA PARKINSON’S DISEASE ATBP.
MAPANGANIB talaga, lalo na sa mga matatanda ang oily o matatabang pagkain lalo na ang mula sa red meat at taba ng manok o poultry animals. Bukod sa pagbabawas ng mga matatabang pagkain - pati na ang mga ulam na iprinito sa coconut oil, corn oil o soybean oil - kailangan ang regular at mas maraming isda sa pagkain kasama ng fruit o vegetable juices. Aling isda ba ang the best? Pangunahin dito ang sariwang mackerel, samon, tuna at herring.
Ayon sa mga eksperto, ang Omega-3 fatty acids na matatagpuan karaniwan sa mga nabanggit na isda ay makatutulong para makaiwas sa mga sakit na Alzhemier’s, Parkinson’s at maski depresyon. Tumutulong din ang isda para mapanatili ang mental skills, lalo na kung ito ay steamed o niluto sa microwave oven at hindi prito.
Sa isang pag-aaral na ginawa sa Scandinavia, ang mga senior na kumain lang ng 10 gramo ng sariwang isda bawat araw ay may mas mahusay na performance sa mental tests kaysa roon sa mga kumakain lamang ng mas kakaunti. Iminumungkahii ng pag-aaral na kumain ng 75 gramo ng sariwang isda araw-araw.
Ayon sa mga mananaliksik na Dutch, ang mga taong may mataas na antas ng Omega-3 ay mas kakaunti ang pagbaba ng brain performance lalo na ang bilis ng pagpo-proseso ng impormasyon ng utak. Ang pagkain ng 1.5 – 2.0 grams ng Eicosapentaenoic acid na mula sa Omega-3 ay nakapagpapababa ng antas ng depresyon.
Huwag iprito ang isda. Kahit kayo ay kumain ng isang kilong isda araw-araw, kung ito naman ay prito, nawawala ang benepisyo na makukuha rito. Ito ang lumabas sa isang pagsusuri sa Scandinavia. Ang pinakuluan, steamed o baked tuna at iba pang isda na mataas sa Omega-3 fatty acids ay makatutulong para maiwasan ang mental decline sa matatanda. Sa isang pag-aaral, ang mga regular na kumakain ng ganitong isda tatlo o higit pang ulit sa isang linggo ay nagkaroon lamang ng insignificant o napakaliit na brain lesions na nagiging dahilan sa pagkabawas sa kakayahang mag-isip, dementia o stroke ng 26 percent.
Bakit mahalaga ang isda sa ating utak? Ayon sa Medlineplus, mahigit 66 percent ng brain tissues ng ating utak ay fats, kaya mahalaga na regular tayong kumakain ng tamang uri ng fats.
Ang brain-booster na fats gaya ng Omega-3 fatty acid na matatagpuan sa isda, at nagpu-promote ng communication o pakikipagtalastasan sa pagitan ng brain cells at ginagawa nito ang membranes na elastic. Ang Omega-3 fatty acid na docosahexaenoic acid (DHA) ang nagbibigay ng fluidity o a kakayahang mag-transport ng signals sa utak. Tumutulong din ito sa synapses – ang junction sa pagitan ng nerve cells – na magbago, na siyang basehan ng memorya. Ang pagkain na mayaman sa DHA ay nakapagbibigay ng proteksyon laban sa Alzheimer’s, Parkinson disease at depresyon.
18 December 2014
References:
FC&A Medical Publishing, Georgia
www.medlineplus.com