Kuya Cesar: ‘Speed-Bagal’ na Anawnser
Ni Lino C. Soriano
(Ang sumusunod na artikulo ay isinulat noong 2004 base sa personal na interview kay Kuya Cesar, pero hindi nailabas dahil sa pagsasara ng magazine na dapat sana’y naglabas nito).
K-U-Y-A C-E-S-A-R!
Ito ang natatanging pangalan na naging bahagi na ng buhay ng masang Pilipino sa loob nang mahigit 45 taon: sa radyo, telebisyon, at maging sa pelikula.
Sa pamamagitan ng radyo, naabot na niya ang milyun-milyong tahanan sa buong bansa, maging ang kasuloksulukang mga bayan at isla na hindi pa abot ng diyaryo at TV broadcast. Sa pamamagitan ng pelikula at telebisyon, nabigyan niya ng aliw ang higit na nakararami sa ating mga kababayang ito lamang ang tanging libangan. At para sa marami sa kanyang mga tagahanga, hindi lamang siya isang idolo kundi isang malapit na kaibigan, kapamilya, at kapatid.
Gustong Maging Pari
Noong bata pa siya, kahit minsan ay hindi pinangarap ni Cesar Lacbu Nocum ng Pansinao, Candaba, Pampanga na maging anawnser; gusto talaga niyang maging pari. Nagbago ang pananaw na ito nang makatapos siya ng high school – dahil nagka-interes siya sa abogasya.
Nasa ikalawang taon siya sa pre-law (hindi pa noon requirement ang college degree sa pagpasok sa law school) sa Abad Santos Educational Institute sa Maynila nang maisipan niyang mag-audition sa sixth floor ng dating GSIS building sa Maynila, na kung saan matatagpuan ang DZRM, ang himpilan ng radyo ng gobyerno. Dahil sa maganda ang timbre ng boses at may itinatagong talent, agad siyang natanggap bilang anawnser.
Noong Mayo 1 o apat na araw matapos ang audition, nagsimula na ang dating balut vendor sa isang propesyon na hindi niya aakalaing aabot sa mahigit apat na dekada at magbibigay sa kanya ng di-mabilang na matatamis, nakatatawa, at malulungkot na mga alaala na hindi niya malilimutan habang buhay.
Noong 1961, tinangap ni Kuya Cesar ang offer ng CBN (hindi pa noon pinag-isa ang ABS-CBN) na maging anawnser nito Oktubre 31, nagsimula na siyang mapakinggan sa CBN DZAQ, araw-araw, mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon, pagkatapos nito ay sa sister stations ng DZBC at DZXL (pag-aari pa noong ng CBN ang DZXL pero ngayo’y sa RMN na).
Hindi pa noon uso ang CD. Karaniwang ginagamit sa istasyon ay mga plaka na 78 rpm at 33 1/3 rpm na talaga namang higante kung ihahambing sa CD. Pagkaraan ng ilang taon, saka lang nauso ang 45 rpm o single na naglalaman ng isang kanta bawat side,” saad ni Kuya Cesar.
Katulad ng ibang bagitong anawnser, ilang ulit na ring nakagawa ng mga pagkakamali si Kuya Cesar habang nagbu-broadcast. Naririyang nagpatugtog siya ng maling plaka o makapagsalita nang hindi pa naka-on ang mike. Pero hindi ito nagpahina ng kanyang loob, bagkus, naging dahilan ito para lalo siyang magsikap na pagbutihin ang kanyang craft.
“Talagang may tensiyon noon ang mga bagong anawnser, hindi lamang sa pagpapatugtog ng plaka, maging sa programming. May mga pagkakataon na kapag puro gasgas na ang pinatutugtog na plaka (78 rpm), hindi kami makapag-adlib masyado, kasi bawal sabihin sa ere na ”malalim na ang butas” (ng plaka) dahil ito’y double meaning.”
Pagsikat ng Transistor Radios
Noong 50s, puro de-koryente ang mga radyo sa bansa kayat ito’y mainit at kasinglaki ng pa ng kahon, hindi pa rin kilala ang car radio. Ang una’y ginagamitan pa ng cathode ray tubes, sa halip na transistors noong 60s at eary 70s, ICs o integrated circuits naman mula 80s, at microchips sa mga mamahaling radyo mula late 90s. Noon, karamihan sa mga bayan sa labas ng Kamaynilan ay walang koryente, kaya walang pagkakataon ang ating mga kababayan na making sa radyo. Early 60s nang nagsisimula pa lamang mauso ang transistor radio na ginagamitan ng size D batteries. Kasabay nang pasikat nito, naging mabili sa buong bansa ang Eveready Batteries. Malaki ang naitulong ng transistor radio sa pagsikat ni Kuya Cesar dahil radyo ang pangunahing libangan at pinagkukunan ng balita (hindi pa palasak ang TV noon) mula Maynila, sa mga kanugnog na lalawigan, at maging sa maraming panig ng bansa. Kaya tinawag na “Golden Years of Radio” ang mula late 50s hanggang mid 60s, dahil ito ang hari ng balita, drama, at entertainment.
Sa panahong ito, sumikat ang programang Kasaysayan ng mga Awit, na kung saan binabasa sa ere ni Kuya Cesar ang sulat mula sa mga tagapakinig tungkol sa kanilang problema sa pag-ibig. Pagkatapos nito, nagbibigay siya ng maikling payo at pinatutugtog ang awit na hiniling ng letter sender.
Sa panahon na namamayagpag sa ere ang programang ito, tinalo ni Kuya Cesar sa survey ang mga nangungunang drama sa radyo, hindi lamang sa kanilang himpilan, kundi maging isa ibang network. May mga pagkakataon na sako-sakong sulat mula sa libo-libong tagapakinig ang dumarating sa kanilang himpilan sa Intramuros. Karamihan dito ay humihingi ng payo sa suliranin sa pag-ibig.
Sumikat din ang programang Dear Kuya Cesar, isang personality radio show na kinalaunan ay naging radio drama. Naging mga writer niya rito sina Gil Soriano, na naging drama director ng top-rated radio and TV shows sa GMA 7 (Annaliza), ABS-CBN (Annaluna) and RPN 9, at Zenaida Soriano na ngayo’y naka-base na sa Amerika. “Ako ang humimok kay Clemente Soriano, Jr., kapatid ni Gil, na magsanay bilang spinner (radio musical scorer) after many years, siya ay naging successful radio, TV, at movie talent at TV director,” pagdurugtong ni Mr. Nocum.
Nakasama rin ni Kuya Cesar sina Eddie Ilarde, na naging konsehal, kinatawan, at senador; Uncle Nick o Nick David, Helen Vela, na nagsimula rin sa CBN; ang radio drama queen na si Luz Fernandez, at radio drama king na si Err Ramos, gayon din sina Lucio Maylas, at Fundador Soriano ng Kahapon Lamang.
Nawalan ng Trabaho
Noong ideklara ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar noong September 21, 1972, isinara ang lahat ng pribadong istasyon ng radyo. Isa si Kuya Cesar sa maraming mga taga-radyo ang nawalan ng trabaho. Pero hindi ito nagtagal. Ilang buwan lamang ay kinuha siya ng noo’y Public Information Sec. Francisco ‘Kit’ Tatad sa DZRM para sa kanilang 11:00 p.m. – 12:00 midnight slot.
Noong 1973, kinuha siya sa RPN DWWW at ito ang nagsilbing bagong tahanan ng kanyang mga programa at drama sa radyo na Dear Kuya Cesar, Pinagsisisihan Ko Ito, Ito Kaya’y Pagkakasala, at iba pa, hanggang 1980. Kahit lumipat ng istasyon, hindi nabawasan ang pananabik ng napakaraming mga tagapakinig ni G. Nocum.
Makalipas ang ilang taon, kinuha siya ng ABS-CBN at dito siya napapakinggan hanggang sa ngayon. Ang Dear Kuya Cesar ay naririnig tuwing Linggo, 2:00 a.m. hanggang 4:00 a.m. Ito’y naglalaman ng mga payo, salawikain, at mga musikang kinagigiliwan lalo ng senior citizens at ng lumalaking bilang ng mga nagtatrabaho sa madaling-araw.

Naging Artista sa Pelikula at TV
Sa pagiging s-u-p-e-r b-a-g-a-l m-a-g-s-a-l-i-t-a sa radyo magmula noong 70s, dito lalong nakilala si Kuya Cesar, kung kaya’t ito ang nagsilbing passport niya sa pelikula at telebisyon.
Minsan, naging anawnser si Kuya Cesar sa karera ng kabayo. Matagal nang natapos ang karera at halos nakauwi na ang lahat ng mga hinete at mga kabayo, pero nagsisimula pa lamang siya sa pagsasalita. Ganito rin ang nangyari nang siya’y kuning voice-over announcer sa isang championship basketball game – di pa nangangalahati ang kanyang annotation sa laro pero matagal na itong natapos, tuloy, siya na lamang ang naiwan sa gym. Of course, ang mga nakatatawang eksenang ito’y sa pelikula lamang nangyari.
Nagsimula sa biro ang mabagal na style nang pagsasalita ni Kuya Cesar, habang nasa ere sa programa ni Johnny de Leon noong late 60s. Dahil kakaiba at madaling matandaan ng mga tagapakinig, naging style na ito ni Kuyang kung siya ay nagpapatawa.
Sa loob nang mahigit 20 taon, nakagawa na siya ng 18 pelikula gaya ng Andres de Saya nina former Miss Universe Gloria Diaz at Vic Vargas, ang Laugh-In (the movie); kasama sina Ramon Zamora at Balot; Iskul Bukol, with Tito,Vic, and Joey; at Kalabaw Lang ang Tumatanda, kasama sina Lito Pimentel at Kristine Garcia. Gayon din ang Talents Unlimited, 1968; Andres de Saya, Mabagsik na Daw, 1982; Tora Tora Bang Bang Bang, 1990; Gagay: Prinsesa ng Brownout, 1993; Bala at Lipstick, 1994; at Walang Iwanan, Peksman, 2002.
Mga Inspirasyon
Sa loob ng 40 taon, nagsisilbing inspirasyon kay Kuya Cesar ang kanyang kaisaisang maybahay na si Sylvia (isang senior analyst sa National Labor Relations Commission, NCR), at anim na mga anak na lalaki. Ito’y sina Cesar Antonio (panganay) na nagtatrabaho sa media bureau ni Sen. Noli de Castro; Arnel Joseph, na konektado sa isang promotions at advertising company; si Ranido, isang electronics and communications engineer sa PLDT; si Erwin, na nasa RPN 9; si Manuel Niño, estudyante at naka-base sa San Francisco, California; at si Jordan Ramon, estudyante, na nasa Harford, California. Kahit malayo kay Kuyang ang dalawa niyang anak, palagi niya silang dinadalaw taun-taon sa Amerika.
Nang tanungin naming ang institusyon sa radyo kung kailan siya magreretiro, sinabi niyang, “H-a-n-g-g-a-‘t g-u-s-t-o p-a a-k-o-n-g p-a-k-i-n-g-g-a-n n-g m-g-a t-a-o,” pagbibiro ni attorney, Father, at Kuya Cesar.
(Noong Mayo 17, 2007 sa ganap na 9:45 p.m., dalawang araw makalipas ang kanyang birthday, namayapa na ang institusyon sa radyo sa edad na 69, dahil umano sa atake sa puso.)