Leizl Salgado:DJ na Role Model
Ni Lucino Soriano
Editor’s Note: Ito ay una sa serye ng mga mapanglikhang artikulo na sinulat ni G. Soriano sa People’s INSIDER Magazine magmula noong 2001-2004. Inilabas ito sa website na Smart Pinoys Atbp. pangunahin para turuan ang campus journalists ng kakaibang istilo ng pagsulat. Ayon sa mga nakabasa na nito, napakaraming artikulo na ang naisulat sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa tungkol sa paksang ito, pero ang sumusunod na artikulo ang “pinaka-orihinal at kakaiba ang presentasyon,” at kahit na 13 taon na ang nakalipas ay hindi pa nalalaos ang istilo ng pagkakasulat nito .” “Bago ko kapanayamin si Bb. Salgado, nalaman ko na mahilig siyang magbasa, kaya nag-isip ako ng kakaibang paraan para i-presenta ito sa mga mambabasa. Ang mga tanong ko sa kanya ay patungo sa mga sumusunod na sagot sa interbyu,” ani Soriano.
BATA pa lamang ang Love Radio DJ na si leizl Salgado o Bernie ay nagkaroon na siya ng chance na bisitahin ang maraming sikat na lugar. Pangunahin dito ang Madrid, New York, Oslo, Paris, at Saskatchwan. Nalibot din niya ang Germany at USSR, pati na ang Great Wall of China.
Sariwa pa sa isipan ni Bernie ang literal at simbolikong pagkawasak ng Berlin Wall at ang pag-iisa ng East at West Germany noong Oktubre 3, 1990. Katatapos lang ng Pasko noong 1991 nang tuluyang mawasak ang Komunismo sa USSR (Union of Soviet Socialist Republics). Pamilyar din siya sa pagkalas sa USSR (na ngayo’y Russia) ng Azerbaijan, Belarus, Estonia, Georgia, Kazakhstan, at Ukraine.
Simula sa susunod na buwan, marami pa raw bibisitahing lugar si Bernie.
Paano nga ba nakarating sa maraming lugar si Bernie, lalo pa noong bata pa siya?
Super-rich ba sila? Diplomat kaya ang kaniyang mga magulang? Suwerte ba sila sa mga raffle?
Kahit na siguro gumamit kayo ng tatlong ‘lifelines’ mula kay Christopher de Leon (ng Who Wants to be a Millionaire I) ay hindi ninyo ito masasagot ng tama.
Dahil ang mga nabanggit na lugar ay ‘binisita’ ni Bernie sa pamamagitan nang PAGBABASA.
Opo, kung pwedeng bumisita sa Websites, pwede ring bumisita sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Para na kayong nakarating sa abroad sa pagbabasa, lalo na kung may kasamang color pictures ang artikulo. Nare-reinforce ito ng panonood ng TV documentaries tungkol sa mga nabasang lugar, pati na ang regular na surfing sa travel Websites sa Internet.
Bilib talaga kami kay Bernie. Palagi niyang ‘pinakakain’ ang kanyang utak ng mga impormasyong buhat sa encyclopedia, reference books, pocketbooks, magazines (lalo na ang tungkol sa travel), mga diyaryo, at marami pang iba.
Gusto ni Bernie na ma-feel ng kanyang listeners ang kanyang ‘di pangkaraniwang mga karanasan, kaya hinihimok niya ang mga ito na ugaliing magbasa, kung puwede araw-araw. Pwede itong gawin – lalo na sa sasakyan kung matrapik o matagal ang biyahe sa malls kung may hinihintay na ka-appointment, habang nasa mahabang pila, at maski na sa parks.
Bukod sa pagbabasa, mahilig makinig sa jazz at R & b si Leizl. Mahusay din siyang magluto gaya ng kanyang Mommy Esperanza. Tulad ng ABC 5 newscaster na si Amelyn Veloso, mahusay kumanta si Leizl at naging professional singer din. Sina Lani Misalucha, Whitney Houston, at Anita Baker ang ilan sa kanyang paboritong singers. Kahit nasa 20s pa lang si Leizl, pamilyar siya sa mga lumang kanta katulad ng kina Perry Como at sa ‘Chairman of the Board’ na si Frank Sinatra. Mahilig daw umawit ang kanilang ama noon kaya ang buong pamilya Salgado ay marunong kumanta.
Maraming Pagsubok
“ARE you close to your father?” tanong namin.
“Very close. Ako ‘yung bunso. Malambing ako sa daddy ko, so when he died in 1995 I was so devastated. He was strict, but very warm and loving.”
Malaki ang naitulong ng palagiang pagdarasal at pagiging abala sa trabaho, kaya na-overcome ni Bernie ang labis na depresyon sa pagkawala ng kanyang idol, kaibigan, jamming partner at ama.
Naging mahirap ding pagsubok kay Bernie ang pagiging isang ‘dalagang ina.’ Nang namatay ang kanyang bayaw na si Sim, pagkatapos ay ang kanyang Ate Lani, naging ‘surrogate mother’ si Bernie ng kayang mga pamangking sina Jojo, na noo’y 8 taon pa lamang, at si Kaydee, 13. Mahirap daw maging ina, pero sulit naman daw ang sakripisyo at pagod.
Ang paghahanap ng trabaho ay naging pagsubok din kay Bernie. Graduate siya ng Masscom sa PUP noong 1993, pero naging matabang ang pag-iistima sa kanya ng ilang kumpanyang gustong pasukan kapag may kasabay na taga-Ateneo, La Salle, UP at iba pang mabibigat na pamantasan.
“Ikaw, as yourself, you have to prove that you can rise above them,” pagdiriin ni Bernie.
Pinatunayan nga niya ito nang matanggap na newscaster at newswriter sa DZME a year after graduation. Pero, bago ito, naging back-up singer siya ni Chiqui Pineda. Natanggap din siyang ‘multiplex singer’ sa isang recording company at pagkatapos ay naging isang production assistant sa Able Music Company.
Malaking break ang pagkakapasok niya bilang DJ sa Star FM ng Bombo Radyo noong 1997. Tumagal siya roon ng tatlong taon; noong 2000, nalipat siya sa 90.7 Love Radio ng Manila Broadcasting Company.
Sa paglipat niya sa Love Radio, ilang beses nang muntik ‘madisgrasya’ si Bernie. Dahil araw lang ang pagitan mula sa Star FM, tuwing sasabihin na niya ang station ID ng Love Radio, muntik-muntikan na niyang masabi ang sa Star FM. Mabuti na lamang daw at hindi niya ito nagawa.
Edukasyon, Mahalaga
KAHIT dalaga pa si Leizl, malalim ang kanyang alam tungkol sa buhay, gaya ng kahalagahan ng togetherness at quality time between parents and children. Kahit naman daw walang perang pang-Jollibee ay pwedeng magsaya ang pamilya – maglaro ng indoor games o kumanta. Simpleng meryenda lang ay pwede na, basta galing sa pawis ng mga magulang.
Ayon kay Bernie, dapat tiyakin ng kabataan kung anong kurso ang gustong kunin bago sila pumasok sa kolehiyo. Sayang ang panahon, pagod, at perang pinagpawisan ng mga magulang sa pagpalit-palit ng kurso. Mag-aral mabuti. Ito lang ang paraan para makakuha ng quality education at makapag-trabaho kaagad after graduation. More importantly, magbasa, magbasa, at magbasa pa.
Mapapakinggan si Bernie sa Love Radio tuwing Sabado, 1-3 p.m. sa programang Afternoon Love Drive. Nagde-deliver din siya ng top-of-the-hour news from 6-11 a.m., every Monday to Friday. (Sa ngayon ay iba na ang set of DJs sa love radio at iba na rin ang format ng istasyon.)
Marami pa sana kaming itatanong kay Ms. Salgado, kaya lang ‘papunta’ pa siya sa India, kaya nag-beg-off muna ang DJ-cum-singer na bookworm.
Kayo, gusto rin ba ninyong ‘magbiyahe’ sa mga makapigil-hiningang lugar sa iba’t ibang bansa katulad ni Bernie?