PERA, NUMBER 1 NA SANHI NG STRESS?
Ni Clemente Celso III
“NAGKAKATOPAK ako kapag walang pera,” pahayag ng isang seksing call center agent.
“Pera lagi ang pinagsisimulan ng aming mahabang pagtatalo ng mister ko. Palagi kasing kulang ang kanyang iniintrega, kahit medyo malaki ang sweldo niya, nauubos lang sa pag-inom at barkada ang malaking bahagi ng kanyang kinikita,” ayon sa isang bagong-kasal na ginang.
“Wala akong kwentang tao – ito ang aking pakiramdam kung wala akong pera,” pagtatapat ng isang yuppie.
Ayon sa ilang eksperto, ang pag-aalala dahil sa pera ang nagpapasimula ng maraming psychological stresses sa mga pamilya – gaya ng anxiety, tension, insomnia, depression, at marami pang iba. Ito ay maaaring humantong sa malalang karamdaman gaya ng arthritis, high blood pressure, ulcers, at heart attacks.
Ayon sa isang survey, anong uri ng emosyon ang naalala ng respondents kapag sinabi ang salitang ‘pera?’ 71 percent ang nagsabi ng anxiety, 52 percent depression, at 52 percent matinding galit.
Kailangan ang Kontrol
Ayon sa aklat na Your Emotions and Your Health, kahit limitado ang iyong finances, hindi ito dapat mangahulugan na mamomroblema kayo sa pera.
Ayon sa awtor na si Sylvia Porter, itanim sa isip na walang anumang kita - gaaano man kalaki ito - ang makasasapat para mabili ninyo ang lahat ng gusto ninyo.
Para maiwasan ang problema sa pagbabadyet, dapat magkaroon ng imbentaryo ang isa. Alamin kung magkano talaga ang inyong kinikita. Ilista ang lahat ng gastos araw-araw (gaya ng pagkain, pamasahe, baon, atbp.) at buwan-buwan (mga bayarin katulad ng upa sa bahay, koryente, tubig, atbp.). Mahalagang gumawa ng makatotohanang badyet at seryosong sundin ito.
Kung kulang ang inyong kinikita, bumili lamang ng simpleng pagkain gaya ng gulay at isda. Magiging malusog pa kayo at hahaba ang inyong buhay. Kung mahilig kayo sa karne, pwede namang tuwing Sabado lang o Linggo kayo bibili nito. Mas mura kung bibili kayo ng marami o mas malaking size ng toyo, suka, ketchup, atbp. Magiging ligtas kayo sa mga sakit kung palaging kumakain ng iba’t ibang prutas, kasama ang regular na ehersisyo.
Maraming gastos na hindi naman talaga dapat ang umuubos sa pondo ng isang tao. Kasali na rito ang palaging pagkain sa fast foods o restaurants, paggi-gimmick sa bar, pagbili ng mga bagong gadgets kahit na mayroon na siya ng mga naunang modelo nito, at pagbili ng designer clothes o mamahaling sapatos kahit na hindi naman kailangan sa trabaho.
Kung mayroon kayong credit card, bawasan ang paggamit nito. Sa mga taong walang disiplina, nababaon lang sila sa utang dahil sa mali o impulsive na paggamit ng credit card, kaya hindi sila dapat na magkaroon nito.
Kung mahirap disiplinahin sa paggastos ang sarili, makabubuting bumili kayo ng envelopes at sulatan ang bawat isa nito gaya ng: koryente, tubig, upa, baon, cellphone load, atbp. Tuwing suweldo, lagyan ng kaukulang pera ang bawat envelope na makasasapat sa mga kaukulang bayarin pagsapit ng katapusan o sa petsang dapat bayaran ang mga ito. Itago sa isang ligtas na lugar, kung pwede, may kandado, ang mga envelope na ito.
Kung kayo ay isang karaniwang empleyado lalo na ‘yung five months lang ang contract, pagkatapos ay maghihintay uli ng ilang buwan para makapasok muli, huwag na kayong mag-ambisyon ng mamahaling cellphone o gadgets, ‘yung cellphone na P1,000 – P2,000 ay pwede na. Kahit na mahigit P5,000 pa ang inyong cellphone, pagkaraan ng ilang buwan, ‘malalaos’ na ito at may mas bago at mas magandang modelo rito. O kaya, kahit na mamahalin ang inyong cellphone kung wala naman kayong kotse, malaki ang tsansa na makuha ito ng holdaper, kahit nasa bag pa ito. Ang maipapayo namin: maging praktikal, huwag maging mayabang.
Si Carlos, nag-iisang anak na lalaki ng aming kaibigan ang totoong mahilig sa cellphone. Pinag-ipunan ng kanyang ama ang halagang mahigit P10,000 na ibinili ng cellphone. Isang gabi, pauwi si Carlos nang holdapin ang jeep na kanyang sinasakyan. Hindi sana malalaman na may cellphone siya dahil nakatago sa kaloob-loobang bahagi ng kanyang back pack, pero ang siste, nag-ring ito. Pilit na kinukuha ng isa sa mga holdaper ang bag pero nakipag-hilahan si Carlos, dahil malakas ito, bumunot ng kutsilyo ang holdaper at siya’y pinagsasaksak. Duguang iniwan si Carlos ng mga holdaper. Mabuti na lamang at agad siyang nadala sa kalapit na ospital. Makaraan nito, nabuhay siya pero umabot sa mahigit P68,000 ang gastos sa ospital. Siguro, kung ibinigay niya kaagad and cellphone, hindi na sana napalaki ang gastos ng kanyang ama, at hindi na sana nanganib ang kanyang buhay. Tandaan, higit na mahalaga ang buhay kahit na sa pinakamahal na gadget.
Kung mamumuhay lamang kayo ng ayon sa inyong kinikita - maliit man ito o malaki - hindi kayo magkakaroon ng problema o labis na stress dahil wala kayong pambayad sa monthly bills o mga utang sa credit card.
Tandaan, mas maagang nakamamatay ang patuloy at labis na stress kaysa diabetis, high blood o sakit sa puso.
O, mag-badyet na!