7 Artista na Maagang Inagaw ni Kamatayan
Ni Rhodeza Mae S. Junio
1. ERUEL TONGCO
MARAHIL ay marami na ang nakalimot sa tunay na pangalan ni Eruel Tongco, pero ang iniwan niyang alala ay mananatiling alamat sa nakararami, dahil sa pagganap niyang ‘Gary’ sa soap opera na Mara Clara. Ama ng isang former child-star-turned-pastor na si LA Lopez, nag-umpisa si Eruel sa kaniyang showbiz career bilang isa sa ‘Alfie’s Boys,’ isang grupo na minanage ni Alfie Lorenzo (kasama rin si Cesar Montano). Nakamit niya ang kaniyang biggest break nang tanggapin niya ang role na Gary Davis na isang masamang ama, na walang alam na gawin kundi pahirapan ang kaniyang anak na si Mara hanggang sa huli. Nasa rurok na ng kaniyang kasikatan si Eruel nang siya ay namatay noong kalagitnaan ng 1996, naaksidente ang kotse kung saan siya nakasakay sa highway papuntang Batangas. Inalis nang walang abiso ang kaniyang karakter na pinalitan ni William Martinez sa film version. Makalipas ang ilang taon ginampanan ni Jong Hilario ang kaniyang role sa 2010 remake ng Mara Clara.

2. HALINA PEREZ
SI HALINA PEREZ ay sumikat nang palaos na ang paggawa ng Pinoy ‘bold’ o ‘bomba’ films. Pero marami pa rin ang nabighani sa kaniyang inosenteng mukha at magandang katawan. Namatay siya sa edad na 21. Pauwi siya galing sa isang palabas sa Legazpi, Albay, madaling araw noong Marso 24, 2004 nang maaksidente ang sinasakyan niyang kotse. Si Halina ay namatay dahil sa bali ng leeg, kasama ang kaniyang manager na si Isah Munio, na namatay agad, samantalang ang iba nilang kasama sa kotse ay nabuhay kasama na roon ang starlet na si Danna Garcel.
Ang mga pelikulang nagpasikat kay Perez ay ang Alipin ng Tukso, (2001) Ika-pitong Gloria, Amorseko: Damong Ligaw, (2002) Hinog sa pilit: Sobra sa Tamis, Ligaya: Pantasya ng Bayan, Biglang Liko, Alyas Bomba Queen, Tukaan, Dalaginding, Sex Files, Kasiping (2003) Kiskisan, Balat-Sibuyas, Asboobs: Asal bobo (2004), at Kirot sa Dibdib.

3. RIC SEGRETO (Richard Vincent Segreto Macaraeg)
ISA sa respetadong singer-songwriter si Ric Segreto noong kanyang kapanahunan. Sino ang hindi nakakaalam ng awiting Don’t Know What to Say, Kahit Konting Pagtingin, at Give me a Chance? Ang mga ito ay sumikat noong dekada 80. Isinilang noong Setyembre 27, 1952 sa Brooklyn, New York, ang Fil-Am singer at kapatid ng musikerong si Geoff Macaraeg ay mahilig sa motorsiklo. Sa kasamaang palad ito pa ang naging mitsa ng kanyang buhay. Habang tinatahak ni Ric ang Buendia Avenue/Edsa flyover, siya ay bumangga, tumilapon at tumama sa nakausling bakal sa ginagawang construction. Nasawi siya sa edad na 45.
Ang mga awiting kaniyang nilikha ay ang Kahit Konting Pagtingin, Don’t Know What to Say (Don’t know What to Do), Give Me a chance, Touched By a Rainbow, Angela, Come Back to Me, Do Ya, Do Ya Ever, Do Ya?, Man of The Hour, Hold on To My love, All I Wanna Do, Slippn’ Away, Even Just Once More, Stay, I Need You, I Thought She Was You, Since You Said.

4. AJ PEREZ
UNANG hinangaan si AJ Perez sa Sabel, isang remake na teleserye noong 80s nang gumanap siya sa papel na Candido de Dios. Sumikat naman sa mga pelikulang Cinco, Mamarazzi, at sa Maalaala Mo Kaya TV series ng ABS-CBN na pinamagatang Tsinelas.
Pero ang dapat sana’y papaimbulog na career ng gwapong binata sa showbiz ay maagang pinutol ni Kamatayan. Sa edad na 19, nasawi si AJ nang bumangga sa isa pang kotse ang kaniyang sinasakyang kotse sa MacArthur Highway, Moncada, Tarlac. Nagluksa ang mundo ng showbiz dahil sa kanyang maagang kamatayan. Kahit wala nang buhay ay nakagawa pa ng dakilang tulong si AJ nang ang kanyang mga mata ay ibinigay sa dalawang pasyenteng bulag at nakakita na matapos ang matagumpay na eye transplant.
Nakakalungkot isipin na ang sumisikat pa lamang ang mahusay na artista ay namatay dahil sa aksidente – ayon sa ulat, bumangga ang kaniyang ulo nang maraming beses at nabali pa ang leeg, resulta ng car accident na kaniyang kinasangkutan habang papauwi galing sa isang palabas sa Dagupan City, Pangasinan. Very talented si Perez at handa niyang gampanan kahit na ang mga mahihirap na papel. Saludo rin sa kanya ang kanyang naging direktor at mga kapwa artista dahil sa taglay na professionalism at pagmamahal sa kanyang craft.
Nagpasikat sa kanya ang mga pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo, (2007) Sakal, Sakali, Saklolo at Bahay Kubo, (2008) Magkaibigan at Kelly! Kelly! (Ang hit na Musical), (2009), BFF (Best Friends Forever), Ang tanging Pamilya: A Marry Go Round. (2010), Babe I love you, Cinco at Mamarazzi.

5. CLAUDIA ZOBEL
ANG kaakit-akit na artistang si Claudia Zobel ay mabilis na sumikat sa edad na 19, magmula nang lumabas siya sa erotic film na Shame at Sinner or Saint. Ang seksing aktres ay unang nakilala sa pelikulang, Kapit sa Patalim ni Lino Brocka, mas pinili niya ang role na nakaka-akit sa nakararami kasama na roon ang paghuhubad. Ang kaniyang unang palabas na, Shame, ay ipinagbawal sa mga sinehan ng MTRCB dahil sa malalaswang parte. Ang 19 anyos na aktres ay bago pa lamang nag-aaral magmaneho, at noong gabi ng February 10, 1984, kasama ang kaniyang mga kaibigan tinahak nila ang Magallanes, dahil sa pag-overtake niya sa sinusundan ang kaniyang minamanehong sasakyan ay nabunggo. Makalipas ng halos 30 taong pagkakalibing, naging banner story ng mga balita ang bangkay ni Claudia dahil pagkaraan ng ilang buwan ay nasaksihan na hindi pa nabubulok ang katawan nito.

6. JAY ILAGAN
SINO ang makakalimot sa mga mabibigat na papel na ginampanan ni Jay Ilagan sa Soltero, Salawahan, Kisapmata, at Sister Stella L?
MARAHIL, namana ni Jay ang kanyang talento bilang artista sa kanyang isang ninuno - na magaling na guro sa larangan na teatro - ito ay si Hermogenes Ilagan, isa sa mga iginagalang at hinahangaang aktor sa kasaysayan ng Philippine Cinema. Nagsimula ang career ni Jay bilang child actor noong 1964, at magmula noon ay naging suki na ang kaniyang mukha sa show business. Gumawa siya ng sariling pangalan sa pamamagitan ng mga pelikulang Tatlo, Dalawa, Isa, Kakabakaba Ka Ba?, Pabling, at Maging Akin Ka Lamang. Lalong sumikat si Jay sa dalawang dahilan: sa orihinal na pagganap bilang Soltero, at bilang parte ng sikat na grupong Bad Bananas, kasama niya rito sina Edgard Mortis at ang mahusay na character actor na si Johnny Delgado, nang nagtagal ay namayapa na rin. Si Jay ay ikinasal sa aktres na si Hilda Koronel, nagkahiwalay sila, at naging ka-live-in niya si Amy Austria hanggang sa panahon na maaksidente at mamatay si Jay sa edad na 38.

7. JON HERNANDEZ
DALAWANG respetadong angkan sa showbiz ang pinagmulan ni Jon Hernandez: ang beteranong artistang si Alicia Alonzo at ang kanyang tiyuhin na si Anthony Alonzo. Ang kaniyang ama ay si Ross Rival, kaya naging half-brother siya ni Maja Salvador at naging pamangkin naman niya sina Philip Salvador, Alona Alegre, at Deborah Sun. Jonjon ang nakasanayang tawag sa kaniya, ay gumawa ng sariling pangalan sa industriya, nakilala siya sa palabas na Bagets 2, Jockey Tiyan, at Prinsesang Gusgusin, kung saan nakasama niya si Lotlot de Leon, at Quezon City Mayor ngayon na si Herbert Bautista, at iba pa niyang kasabayan na teenagers. Nakilala si Jonjon sa Teeny-bopper roles sa Bagets 2, Row 4: Baliktoryans, at Sambahin ang Ngalan Mo. Noong 1993, nag-retiro siya sa pagiging aktor at ito rin ang taon (Nob. 7) na kung saan, siya ay nasawi sa car crash. Pauwi si Jonjon galing sa isang out-of-town excursion kasama ng kaniyang mga kaibigan, nang bumangga sa konkreto ang sinasakyan niyang kotse sa isang highway sa Quezon City, na agad niyang ikinamatay.