Seniors: Gawing Mas Bata ang Inyong Utak
Ni Sol Cariño Cali
Article Series for Seniors
Unang Labas
PARA tulungan ang bagong Senior Citizens at mga taong 40 anyos pataas, maglalabas ang www.smartpinoysatbp.com ng serye ng mga artikulo na naglalayong sila’y makaiwas sa mga sakit na kaakibat ng katandaan, gamit ang tamang diet at disiplina. Ang gulay at prutas na ginamit sa mga pag-aaral ay sariwa at hindi preserved.
ALZHEIMER’S DISEASE: KATAS NG GULAY AT PRUTAS ANG SAGOT
PAANO mo malalaman kung ang iyong lolo ay may Alzheimer’s disease? Madali lang, papuntahin mo siya sa palengke o sa mall, kapag hindi siya nakabalik kahit na sa loob ng tatlong araw, mayroon siyang Alzheimer’s.
Bagaman nakatatawa ang joke na ito, sa totoong buhay, hindi nakatatawa ang magkaroon ng chronic degenerative brain disease. Ang ibang cells sa ating katawan ay napapalitan o nagre-regenerate, pero hindi ang cells ng utak. Kapag naapektuhan ang brain cells dahil sa sakit na mula sa katandaan, ito ay irreversible o hindi na mababago pa.
Ayaw talaga ng mga may-edad na tawaging GURANG dahil ito’y mapanlait na salita, dahil ang konotasyon nito ay inutil o walang silbi. Pero mas ayaw nila ang magkaroon ng kahit isa sa mga sumusunod na karamdaman: sakit sa puso, bato, atay, atbp.; bronchial asthma, diabetes, chronic degenerative brain disease, Alzheimer’s disease at dementia.
Taon-taon, maraming Pilipinong senior citizens ang namamatay sa isa o higit pa sa mga nabanggit na sakit, hindi dahil sa hindi sila nagkapa-konsulta sa doktor, kundi wala silang pambili ng maintenance medicines na ubod ng mahal.
Hindi naman siguro ito isang uri ng population control sa mahigit 100 milyung Pilipino kaya minamahalan ng multinational drug companies ang presyo ng gamot, kundi ito'y dahil sa labis-labis na corporate greed o kaimbutan. Kawalan ng medikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit maraming seniors (at maski mas bata pa) ang namamatay ng wala sa oras. May generic medicines nga, pero mas maraming mamahaling gamot ang walang katumbas na generic.
Go Natural!
Kung tungkol sa utak o brain, maraming paraan para makaiwas sa Alzheimer’s disease ang mga senior citizen. Kailangan lang ang regular na pagkain ng sariwang gulay at prutas. Maraming prutas ang nagtataglay ng antioxidants gaya ng mansanas, ubas, orange, cherry at plums. Ang mga ito ay nagbibigay ng proteksyon mula sa ‘oxidative stress’ na nagiging dahilan ng nerve degeneration at Alzheimer’s. Mas healthy ang mga gulay na dumaan sa organic farming.
Lalo na para roon sa kulang ang ngipin, hindi n’yo na kailangan pang kagatin ang mga prutas na ito para lubos na makinabang. Mas epektibo raw ang pag-inom ng juice mula sa mansanas, ubas, o iba pang prutas, pati na ang mga gulay. Kung may blender kayo sa bahay, no problemo.
Ayon sa isang pag-aaral sa U.S. na ginawa sa loob ng 10 taon, sa 1,835 na Japanese-Americans na regular na umiinom na fruit o vegetable juice nang tatlong beses isang linggo o higit pa, may 76 percent ang nakaiwas sa Alzheimer’s disease kaysa roon sa mga hindi umiinom nito o sa mga umiinom nito nang wala pang isang beses sa isang linggo. Kung hindi available ang sariwa, maaari rin kayong uminom ng imported na real fruit juices gaya ng grape, orange, pomegranate, tomato atbp., pero mas epektibo at mas mura ang sariwa.
Kapag binalatan na natin ang mansanas at ilan pang mga prutas, nababawasan o nawawala ang polyphenols – isang uri ng antioxidant chemical na matatagpuan sa balat ng prutas at gulay. Ang ilang prutas o gulay ay may anti-inflammatory properties, mayroon din itong antioxidant vitamins, minerals at folate.
Kaya kung regular kayong iinom ng fruit o vegetable juice sa loob ng tatlong beses sa isang linggo o higit pa, malalayo kayo sa peligro ng Alzheimer’s disease at iba pang degenerative brain disease.
Aktibong Utak
Para ma-reinforce ang nabanggit na practice, dapat ding maging aktibo ang inyong utak – palaging may binabasa, iniisip, at napapaharap sa mga hindi masyadong stressful na mental na aktibidad. Ito ang dahilan kung kaya lumalabas sa isang pag-aaral sa Canada na halos 90 percent ng mga aktibong writers o journalists, engineers, computer programmers, professors o teachers na nagtatrabaho pa kahit na sila ay mahigit 60 years old na ay halos walang ipinagbago sa kanilang memorya – matalas pa rin kahit may edad na sila.
Sa isang IQ test na ginawa sa U.S. sa 50 senior citizens at 50 tao, edad 20-30, napatunayan na ang mga senior na may aktibong utak ay halos kasing-talino at kasing-husay ang memorya gaya ng mga mas bata sa kanila, ang kaibahan lamang ay mas mabagal sila nang kaunti sa pagsagot.
Kahit na hindi pa kayo senior citizens, ugaliing uminom ng fruit o vegetable juice tatlong beses o higit pa sa isang linggo, iwas-sipon at iba pang mga sakit, iwas pa rin sa Alzheimer’s.
Sa aming personal na karanasan, ang araw-araw na pagkain ng iba’t ibang gulay at prutas, bukod pa sa mga nabanggit na benepisyo ay nakatutulong din sa ating panunaw at paglilinis ng ating digestive system. Malaki ang panganib ng colorectal cancer sa mga taong regular na hindi dumudumi sa tatlong araw o higit pa.
Bukod pa sa mga nabanggit, para mapanatiling malusog ang inyong utak, siyempre, magbasa at magbasa pa, regular na maglaro ng chess o iba pang mental games.
17 December 2014
References:
www.medlineplus.com
FC&A Medical Publishing, Georgia
Padus, E., Your Emotions and Your Health, Rodale Press, Emmanus, Pennsylvania, 1992