‘Garduce: Manny Pacquiao ng Mountain Climbing’
Ni: Lino Cali
MATAPOS marating ni Romi Garduce ang tuktok ng nagyeyelong Mt. Vinson Massif (16,067 feet) sa kontinente ng Antarctica, naitala niya ang isang record na malamang hindi kayang pantayan ng kahit na sinong Pilipino o Asyano: ang marating ang pitong pinakamatataas na bundok sa pitong kontinente.
Kahit umaabot sa minus 26 degrees Celsius ang temperature paakyat sa tuktok ng Mt. Vinson Massif (at kung minsan ay bumabagsak pa sa minus 40 degrees Celsius), hindi ito naging hadlang sa kanya para marating ang matagal nang inaasam. Narating ni Romi ang pinakamataas na bundok sa Antarctica noong Energo 6, 2012 (petsa sa Pilipinas) alas-5:45 ng umaga.
Noong 2002, bilang miyembro ng University of the Philippines mountain climbers’ group, narating ni Romi ang tuktok ng Mt. Kilimanjaro (19,341 feet) sa Tanzania, Africa; ang Mt. Aconcagua (22,841 feet), sa Mendoza, Argentina, South America noong 2005; ang pinakamataas na bundok sa buong mundo – ang Mt. Everest (29,035 feet) sa Nepal-Tibet noong 2006; and Mt. Elbrus (18,442 feet) sa Caucasus, Russia, Europe, noong 2007; ang Mt. Denali Peak (20,320 feet), na mas kilala sa pangalang Mt. Mckinley sa Alaska, North America; ang Mt. Kosciousko (7,310 feet) sa New South Wales, Australia noong 2008; at ang Mt. Carstenz Pyramid (16,024 feet) Puncak Jaya, Indonesia, Oceania noon Hulyo 2011.

Isang napakalaking karangalan hindi lamang para sa mga kababayan ni Romi sa Balanga, Bataan kundi maging sa sambayanang Pilipino ang pagkakakumpleto niya sa pag-akyat sa ‘Seven Summits.’ Ipinakikita nito na kayang pantayan o higitan ng isang Pilipino ang nagagawa ng ibang lahi.
Bukod sa pitong pinakamatataas na bundok sa pitong kontinente, naakyat din ni Romi ang Mt. Daedun (2,880 feet) sa Cheonbuk Province, South Korea; ang Mt. Rokko (3,057 feet) sa Kobe, Japan; ang Mt. Annapura sa Nepal (26,545 feet, Nob. 1998), K2 o Goldwyn Austen (28,251 feet, 2001), ang ikalawang pinakamataas na bundok sa buong mundo at pinakamataas na bundok sa Pakistan (pero hanggang base camp lamang ang narating ni Romi). Noong Oktubre 2003, naakyat ni Romi ang tatlong matataas na bundok sa Nepal, ang Mt. Pokalde, Khumbu (19,043 feet); Mt. Gokyo (17,550 feet); at Mt. Kala Patthar (18,519 feet). Noong 2005 ang Mt. Cerro Bonete, La Rioja, Argentina (22,175 feet); at Mt. Cho Oyu, Nepal-Tibet (26,906 feet), ang ika-anim na pinakamataas na bundok sa buong mundo.
Dahil sa hindi mapantayang record ni Garduce sa pag-akyat sa pinakamatataas na bundok sa buong mundo, siya ay tinawag na ‘Manny Pacquiao ng Mountain Climbing.’
(Source of mountain elevations: Wikipedia)